Showing posts with label REALITY ng buhay. Show all posts
Showing posts with label REALITY ng buhay. Show all posts

Saturday, June 12, 2010

kalesa ni juan.. nasan na nga ba?

Maliban sa JEEPNEY isa ring pangunahing transportasyon nuon ang KALESA o KARITELA. Ang kalesa ay mula sa mga espanyol at as usual na adopt natin to. :) Nung kapanahunan ni Manong Kutsyero (tama ba spelling?), ang mga mayayaman lamang ang may kakayahang makasakay sa kalesa. Di kase afford ni Juan before, ngayong afford na afford naman na eh wala nang may crush kay kalesa. hay~

Sa ngayon, madalang nalang ako makakita ng kalesa na may pasahero. Ang mga kalesa sa tabi ng Jenra Mall dito sa Angeles Pampanga pakalbo na ng pakalbo. Sa Manila naman, sa Intramuros nalang ako nakakakita nito. Good thing, pang tourist attraction ang lolo Kalesa mo! :P

FLASH BACK... naalala ko pa nung bata pa ko, nung unang sakay ko sa kalesa.. sobrang sarap sa pakiramdam! wooh! yahh!! Pero isang beses lang yon at hindi na naulit pa. haay~ :(

Kaya namang nung makita ko tong kalesang ito na may dala dalang basket na tinda! wow! may ganito pa pala. Ang huling pagkakita ko nito eh 6 years old pa ko.


Nakakalungkot nga lang isipin na ang kulturang pinoy ay pawala na ng pawala, pakalbo na ng pakalbo, pabura na ng pabura sa mga puso't isipan ng mga Juanito't Maria Clara ni pareng Pinas. Dahil sa pa hi-tech na ng pa hi-tech na si Mr.Juan. Sunod na sunod sa uso ang mga jejemons natin! sabi nga nila "dhivalehH nh4ng mUkh4n6 as0h as4 us0h n4mhan.." diba? XD

Minsan nga pala naisip ko.. kasabayan ko nalang sana sila lolo't lola. Ayoko sa henerasyong ito!! :( halo halong polusyon, dumi, at baho ng mga gigilid ng mamamayan. Paulit ulit na Pulitika, na may halong action! sa siraan ng mga kalaban sa posisyon! w0oh~ what-a-hell is Pinas is???!! --- pero kahit ganon, PROUD parin akong maging Pinoy! this is us eh. sunod~uso~sunod~

pero minsan ko lang naisip yon at hindi na naulit pa.. promise! :P


Pero Sana bukas pag-gising ko, ang maiitim na usok na binubuga sa puitan ng mga sasakyan ni Don Pepe ay maglaho na! at ang mga bisikleta't kalesa ay magsilabasan naman sa ataul ni Lola Basya... How i wish na sana wala ng polusyon dito! pero sino ba naman ako para burahin yon??? wala.. wala.. wala.. isa rin naman akong baho sa daan na umaalingasaw -- ewww.

NO MORE WORDS..... wala nang salita!

"Edxaii la kwenta kaya la magawa, edxaii la magawa kaya la kwenta!" :(

Thursday, January 28, 2010

nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?



natag lang po saken tong picture nato sa facebook :P

Anung theme song ng mahihirap? edi si Manny Villar! haha usong uso na tong kantang to. Kahit saan pa man tayu mag punta naririnig natin to. Kahit nga sa loob lang paaralan, madaming estudyanteng bored sa buhay ang kumakanta nito (katuwaan lang ng ilan).

Sa tingin niyo sa sobrang daming patalastas ni Villar eh mananalo sya? karapat dapat nga ba talaga sya sa posisyon? Mahirap mag tiwala, lalo na sa ganyan kalaking posisyon.

Ikaw? nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? nag pasko ka na ba sa gitna ng kalsada? (kame madalas^^ sa gitna ng kalasada ng harapan ng bahay namin XD) yan ang tanung namin.. tunay ka bang isa sa amin? nalaman mo na ba na mapag aaral ka nia? tutulungan tayo para mag katrabaho. at ang kaniyang plano'y mag kabahay tayo. Si villar ang tunay na mahirap (eh anu ngayun?) Si villar ang tunay na may malasakit. haayy~ nakoh.

wala akong mapost. kaya ito nalang ang pinost ko. Isang napakawalang kwenta na naman! haay~

-----------------------------------------------------------

Sa mga nagtatanung kung buntis ako dahil sa tag ng blog qoh "pag papalawak sa maliit na tao sa loob ko"
hindi po ako buntis. Hindi po literal ang meaning niyan. Kayo napong bahalang mag isip kung anu yan. :P

----------------------------------------------

MAY NAGTEXT PALA! haha

mssg:

Badang..favor naman.. pwdng pkihuli
ung mga fish ko sa
fishvl plz?txtbck..

-- badang ROX


natawa naman ako sa text niya. Talaga naman ang FB.. parang globe. palawak ng palawak at parang smart pabilis ng pabilis.. AT syempre parang blog, pa update ng pa-update!

dati rati si Ate Rox wala mang FB, ngayon daig niya pa ko sa fishville (di ko man nga nilalaro yun) hehe grabe~ nitext nya pa talaga ko neh? samantalang smart sya at globe ako. hahaa

Sa mga hindi nakakaalam si ate Rox ay 24 na at dati rati wala syang alam sa fb, ning friendster nga ata nun wala sya. (naimpluwensyahan lang namin sya nila badangs..) ayun mas adik pa samen. haay~ replyan ko na nga kahit sayang ang load^^

---------------------------

GOODNIGHT EVERYONE^^
next time nalang po ako mag rereply sa mga comment nio
maaga pa ang check-up ni bf tom. :) night.night^^

Thursday, January 21, 2010

katotohanan sa mundo ng BLOG..



May mga bagay na kadalasang nanyayare sa isang BLOG na minsan hindi natin namamalayang nanyayare pala o kaya naman aware tayo pero ayaw nating aminin sa iba. may mga nilista akong mga bagay na sa palagay ko ay ginagawa ng karamihan (teknik kung baga) para lang maging makulay at mabuhay ang kanilang tahanan~> BLOG (blogger.com man or wordpress pa)

MGA KATOTOHANAN SA MUNDO NG MGA BLOGGISTA^^

1. Pag may blog kana.. syempre hahanap ka ng mga followers.. teknik jan? magvivisit ka ng mga blog na pakalat kalat sa webpage.. o kaya naman pindot si next blog sa dashboard sa taas _ _ _-^

2. Mas maganda kung may maganda kang blog templates.. mas CUTE mas OKAY!.. mas Astig mas ALIVE!! yeah~ mas creative mas KAPANSINPANSIN!! (kahit minsan OA na sa design~)
pero eto ang masaklap.. sa kagustuhang mapaganda ang blog hindi maiwasan ang makalimutang idownload muna ang old template bago palitan ng bago.. ang resulta?~>mga nawawalang widgets :(

3. Pag nagbukas ng blog, unang tinitignan kung may comments ang mga pinost na topic.

4. Pag walang comments.. ang gagawin? magvivisit ng mga blogger friends then mag popost ng shout out sa CBOX.. "blog walking.." "napadaan lang po" "hi nice blog" (khit hindi tutuo) "hi visiting you.. visit back!" (sabay lagay ang link ng blog nila..) "hi.. exchange link?" (kahit hindi naman talaga sinasama sa blog roll nila) "hi how are you?" (kahit wala naman talagang pakelam sa iba)
-- haaay~ ibat ibang diskarte!

5. Pag walang Cbox.. jan papasok ang pag comment comment sa mga post ng ibang blog.. mag cocomment ng "wow nice post blah blah blah" (kahit ang tutuo hindi naman binasa ang pagkahaba habang pinost ng iba)

6. para mas maraming followers.. papalista sa BLOGS NG PINOY! para mas mapansin si blog.

7. Madalas sabihin ng mga bloggista na "hindi impostante kung mabasa man ang post ko ang importante nailabas ko ang mga gusto kong sabihin". pero ang tutuo~ kaya ka nagpost para mabasa ng iba. (tama o mali?)

8. Madalas natin ipromote ang ating blog sa~> facebook, friendster (palubog na friendster!! haha), twitter, plurk.. at kung saan saan pa!

9. Friendly din tayo sa mga ka co-blog natin :) less sungit, less away! :) en less sira sa reputasyon ng blog natin! yan tayo medyo plastic and pachena chena lang sa iba (ou o hindi?) pakisapukan aqh kung mali :(

10. mahilig din natin ilagay yung link ng twitter natin :)

11.Padamihan din ng mga AWARDS^^ kahit minsan yung mga pinagbibigyan natin eh hindi deserves yung award (joke^^ ata hehe)

12. Mahilig tayung mag post ng mga new uploaded pictures natin^^ sing kagandahan ng profile pics. para pag hikayat ng mga readers.

13. Mahirap mag isip ng topic para sa bagong ipopost.. minsan umaabot ng ilang araw, linggo o minsan ilang buan (inaamag na yung last post) bago mag post ng bagong topic.

14. Minsan ang ilan.. supperrr NOSE BLEED na kaka-ENGLISH!! eh kung hindi ka ba naman engot~ mag post ba naman ng english. Eh talagang mangangamote ka talaga! pero maliban nalang kung talagang best in english ka sa klase (talagang pachilax chilax lang ang mag-post ng english)
ako aaminin ko-------- BOBO si EDXAII sa english! (kahit i click mu pa to) secret lang yun ah. huag mung sabihin sakaniya baka sapukin ako! ahaha

15. Karamihan sa mga Pinoy bloggers eh Fan si Manny (Pacquiao o Villar?) haha mali pala. karamihan sa aten eh fan si BO! (si ka-Bob Ong) ou yun.. si ka-bob! yung nag pauso ng magbasa ng baliktad at abnkkbsnplak.. bravo! XD

16. Palaging may picture na kalakip ang mga post naten.. madalang lang ang mga walang picture.

17. Mahilig tayung mag kwento ng mga walang kakwenta kwentang pang araw araw na buhay natin, pero minsan may kwenta naman (eh kung wala lage.. baka hindi na balikan si blog natin).

18. Sa blog natin nailalabas ang tinatagong talent: photography, singing, artistic minded like drawing, pag rereview ng mga movies, television shows, writing: story, poem, scripts.. etc. etc. etc. etc. etc.. maraming etc. etc. etc. haha)

19. Sa blog marami tayong na uutong mga readers! ahahha nagpopost tayo ng mga list ng ka-blog naten (para ipost din nila ang saaten) at ganun din ang iba, kasi tayung mga bloggista mababait tayo at mapagbigay.. mapagmahal pa sa kapwa bloggista (kahit minsan inookray na natin yung blog nila) haha ang sama eh nuh? hmm...

20. Pero meron rin namang talagang tutuo sa aten.. "kaya tayo nag bablog para makilala tayo.." tama? ayyy~ daming kumontra! ou na.. para mailabas ang gusto nating mailabas, para mashare ang mga gusto nating ishare, para ituro ang gusto nating ituro, para ipakilala ang Pilipinas (Filipino), para ipakilala ang produktong natin, para matutu sa iba, para makakilala ng mga bagong kaibigan, para may pamasahe na tayo sa Quiapo! aha at para ipromote din ang kakikayan natin (yan ang pinoy eh.. PROUD TO BE!! singing-bee..) PARA IPAKILALA ANG TUTUONG IKAW^^

----------------------------------------------------------

Oh sya antok nako.. so gagawin ko na ang pang walo sa mga listahan.. ipopromote ko muna ang blog ko sa PLURK^^ ang aking kaligayahan.. hahaha wala lang natutuwa kasi ako eh.

NOTE: COMMENT NAMAN KAYO!! huhhuhuhuhuhu
(begging for freedom! freedom! freedom! freedom! haha)
i mean.. begging for COMMENTS and FOLLOWERS si edxaii ngayun.. di ba kayo naaawa?
haha

pavisit din poh nung isa kong blog^^ paki CLICK
SALAMATS*

Wednesday, January 20, 2010

KAGANDAHAN


KAGANDAHAN!!

Anu nga bang konek ng bubuyog sa likod ng bulaklak na yan sa topic na "KAGANDAHAN?" Naisip mu na ba? kung hindi pa, tara yan ang alamin naten :)

Naaliw ako sa takbo ng Plurk kanina, may bago na naman akong kaibigan. pagkatapos...
BIGLANG~
may nagtext! si TAL (ka-badang ko) sa loob ng inbox ng cellphone ko..



So nagtext nga sya, wala naman akong magagawa kundi gawin ang pinag-uutos niya, este FAVOR pala yun! [hindi halata ah?] haha ayus lang :) english daw eh, panu ba ya? B-O-B-O si edxaii sa english? haay~ tagalog muna^^ bago natin isalin sa english. ayus ba un? hehe

"KAGANDAHAN"

Ang Kagandahan ay maaaring karakter ng tao, bagay, hayop, lugar o anu mang may kinalaman sa kasiyahan ng mata. Anu mang bagay na napapakinang ang ating mga paningin ay maganda (para saken at sa iba). Ngunit anu nga ba ang tunay na kahulugan ng maganda? Maganda pa sa kahulugang literal ang tinutukoy ko. Ang MAGANDA! ou ang MAGANDA ang tinutukoy ko pare.. yung babaeng naka-mini skirt sa tindahan, ang kinis! hindi yun ang tinutukoy ko!
Ang kagandahan ay nasa isip at puso natin, nasa tao ang ganda! tayo ang maganda! ou tayo at wala nang iba! (mag-diwang! ahha)

pag papatutuo..

Ang KAGANDAHAN.. ay naaayon sa kung anu ang tingin natin sa isang bagay. Kung papaano ito nagiging maganda sa mata ko, mata mo, at mata natin. Hindi kaylangan ng kagandahan sa pisikal na anyo, ang kagandahan ay nasa PUSO, at kung papaanu natin to nakikita. Ang Kagandahan ay nasa mata ng may hawak. Tulad ng mga bulaklak na may ibat ibang karakter, ang kagandahan ay ganun din. May mga bulaklak na mabangao at meron ding mabaho. Ngunit diba kahit ganu man ito kabaho ay nangingibabaw pa ren ang kagandahan nito sa panlabas na kaayuan? May mga bagay na maganda lang sa labas pero sa loob may tinatago rin palang kapangitan. Ang kagandahan, tulad ng gumamelang may ibat ibang kulay, may kagandahan na nagmumula sa mga likha ng manglilikha, tulad nalang ng mga pintor. Ibat ibang istilo ang ginagamit, ibat ibang kulay ang ipinagsasamasama upang makabuo ng obra~ maganda, nakakabilib. May mga bulaklak na hindi lang paro paro ang dumadapo, meron ding mga bulaklak na dinadapuan ng langaw. Ou langaw.. na ang ibigsabihin hindi lahat ng maganda ay para lang sa maganda o gwapo. Kung sinu man ang gustong dumapo, maaaring dumapo. Hindi ko alam kung papaanu gumawa ng isang repleksyon ng kagandahan sa bulaklak. Siguro marahil ay nasanay na tayung isinisimbolo ng bulaklak ang kagandahan. Anu nga ba ang isensya ng bulaklak sa atin? Siguro yan lamang ang maisasagot ko ng maayos. Ang isensya ng bulaklak sa atin ay hindi yung kulay, laki, hugis o amoy nito. Ang tunay na isensya nito ay ang kasiyahang idinudulot nito sa tuwing makakakita tayo ng bulaklak at sa tuwing may nag aalay nito sa aten. Maraming isensya ang bulaklak, nag sisilbi rin tong pag damay sa kapwa lalu na kung may patay. Hindi na marahil magkatugma ang sinasabi ko sa topic, pero ito lamang ang alam kong paraan para maipahiwatig ang ibigsabihin ng kagandahan. Ang kagandahan ay kung anung isensya ng isang bagay, bulaklak man o langaw man. Ang kagandahan ay kung papaanu natin tinatanggap ang isang bagay na nagpapasaya sa aten. Kung papaanu natin tinatanggap ang isang bagay na panget, kung papaanu natin nakikita ang isang bagay hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi pati narin sa panloob na kaanyuan.

=====================================

Hindi ako sigurado kung magugustuhan ito ni tal, ngunit isa lang ang sigurado ako.
ang isensya ng BULAKLAK sa KAGANDAHAN^^


note: kung sinu man ang uang magcomment...
MAG PAPASALAMAT AKO NG VONGGANG VONGGA!! :P


Wednesday, January 13, 2010

sa JEEP.. anung kwento mo?


Ang jeep ay isa sa pangunahing transportasyon sa pilipinas. Pinamana pa satin to ng mga amerikano nung patapos na ang world war II. Ang salitang jeepney ay mula pa sa salitang "jeep" and "jitney" or "jeep" and "knee" na ang ibig sabihin ay face-to-face seating. Lam nyu ba yun? hindi siguro nu? kasi sakay lang tayu ng sakay, kung minsan wala naman talaga tayung pakelam sa pinagmulan ng mga bagay bagay sa mundo eh.

Kasama na sa pang araw araw na buhay natin ang pag sakay sa jeep. Naghihintay, nag aabang, pumipila, at kung minsan pa nga'y nag hahabul para lamang makasakay. Iba't ibang tao ang nakakasalamuha mo sa loob ng jeepney, nakakatabi, nakikilala at kung minsan pa nga'y nag kakainlaban. Iba't ibang uri ng tao ang nakakasakay natin, may estudyante, empleyado, simpleng tao, may maarte, may pawisan, may nagtitinda sa palengke daladala ang kanyang paninda, may gulay, tilapya at palaka.

Pati nga rin nag titinda ng taho nakakasakay rin natin. Siksikan sa loob at sa sobrang init pinagpapawisan na kahit ganu pa kaganda pumapanget. Nakakainis minsan ang mga driver na naghihintay pa ng pasahero, late ka na nga sa school lalo ka pang nalelate, na kung tutuusin naman eh talagang kasalanan nating mga estudyanteng nagpuyat sa gabi at nahuli sa pag gising.

Ganun pa man, ang pag sakay sa jeep ang pinakapaborito kong routine sa buhay. Maliban sa minsa'y nakakasakay ko yung crush ko. Marami rin akong nakakasalamuhang tao, minsa'y nakakainis (sa sobrang arte mukha namang kamote). Minsa'y nakakatawa.. si ate na kumakain ng mais sa ngipin sumasabit, si kuya na pag kapogi pogi eh baklush pala, si bunso na iyak ng iyak ang sipon ginawa nang bubble gum, si Manong na natutulog kay manang na nakapatong. Maraming nakakatawang panyayari, minsan si lola mura ng mura wala naman kaaway. Mga matatandang kwentuhan ng kwentuhan bandang huli di naman pala magkakilala. Si manong driver mura rin ng mura lalo na kapag traffic na. Nakakainis minsan pero ayos lang nasanay naren.

Kahit ako man marami ring nakakatawang kwento sa jeep. Minsan jeep ang ginagawa kong library, kahit nakakahilo, kahit medyo malabo na mata ko, pipilitin at pipilin ko paring matapos ang binabasa ko. Ang hirap pa kapag nakakatawa yung binabasa ko kay hirap pigilan yung tawa. Madalas pa ko makatulog sa jeep nun, nakanganga at pagod na pagod. Madalas pa kong mapasobra ng bababaan. Lagi nalang lumalampas. Nakakainis na nakakatawa diba?

Pero ang talagang gusto ko kapag nakasakay ako sa jeepney. Iba't iba pumapasok sa utak ko. Ang dami kong naiisip, tungkol sa buhay ko. Sa mga panyayari, kwento at mga bagay bagay na gumugulo sa isip ko. Sa jeep ko madalas maisip mga taong mahalaga saken, mga taong gusto kong makasama, mga taong gusto kong makita. Sa jeep din, madalas naiisip ko kung anu ba talagang gusto kong gawin sa buhay ko. Madalas kong maisip yung mga gagawin ko pag uwi. Lahat pinaplano ko kapag asa jeep ako. Mga damit na gagamitin ko, assignment, pagsulat ng kung anu anu.. lahat pinaplano ko sa jeep. Pero pag uwi ko naman, lahat ng naiisip ko habang nakasakay ako.. hindi ko na magawa, hindi ko na maisip, hindi ko na maplano..

Siguro kase malawak ang pag iisip ko kapag nakasakay ako sa jeep. Habang pinagmamasdan ang mga bahay na nadadaanan, mga taong lumalakad at mga uri ng pamumuhay na madalas kong masaksihan. Sa jeep ko nasasaksihan ang takbo ng buhay sa pilipinas. Tahimik na mabagal, magulo na mabilis, simple pero komplikado.. Ang buhay ng tao parang pagsakay lang sa jeep yan, sasakay ka sa agos ng pamumuhay, minsan kaylangan mu ring huminto para makahanap ng bagong pasahero sa buhay mu, minsan kaylangan mu ring mag baba para maintindihan ang bawa't halaga ng bagay na napapasayo, pero hihinto ka ulit para magpasakay ng bago. At sa huli kaylangan mu naring bumaba.. para magsimula ulit sa una.

Ganyan ang buhay diba? sakay, hinto, baba at pagkatapos sasakay ulit, hihinto at bababa. Pero tandaan mu hindi sa lahat ng oras may pamasahe kang dala. Minsan kaylangan mu ring lumakad para maranasan ang hirap ng buhay pero diba't kahit lumakad ka man o sumakay ka man.. darating at darating ka rin sa iyong pupuntahan.

Ganyan ang buhay naten. Tama ko diba?
Related Posts with Thumbnails

followers^^

Powered By Blogger
 

Biyaheng Quiapo | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates Make Money Online