May mga bagay na kadalasang nanyayare sa isang BLOG na minsan hindi natin namamalayang nanyayare pala o kaya naman aware tayo pero ayaw nating aminin sa iba. may mga nilista akong mga bagay na sa palagay ko ay ginagawa ng karamihan (teknik kung baga) para lang maging makulay at mabuhay ang kanilang tahanan~> BLOG (blogger.com man or wordpress pa)
MGA KATOTOHANAN SA MUNDO NG MGA BLOGGISTA^^1. Pag may blog kana.. syempre hahanap ka ng mga followers.. teknik jan? magvivisit ka ng mga blog na pakalat kalat sa webpage.. o kaya naman pindot si next blog sa dashboard sa taas _ _ _-^
2. Mas maganda kung may maganda kang blog templates.. mas CUTE mas OKAY!.. mas Astig mas ALIVE!! yeah~ mas creative mas KAPANSINPANSIN!! (kahit minsan OA na sa design~)
pero eto ang masaklap.. sa kagustuhang mapaganda ang blog hindi maiwasan ang makalimutang idownload muna ang old template bago palitan ng bago.. ang resulta?~>mga nawawalang widgets :(
3. Pag nagbukas ng blog, unang tinitignan kung may comments ang mga pinost na topic.
4. Pag walang comments.. ang gagawin? magvivisit ng mga blogger friends then mag popost ng shout out sa CBOX..
"blog walking.." "napadaan lang po" "hi nice blog" (khit hindi tutuo)
"hi visiting you.. visit back!" (sabay lagay ang link ng blog nila..)
"hi.. exchange link?" (kahit hindi naman talaga sinasama sa blog roll nila)
"hi how are you?" (kahit wala naman talagang pakelam sa iba)
-- haaay~ ibat ibang diskarte!
5. Pag walang Cbox.. jan papasok ang pag comment comment sa mga post ng ibang blog.. mag cocomment ng
"wow nice post blah blah blah" (kahit ang tutuo hindi naman binasa ang pagkahaba habang pinost ng iba)
6. para mas maraming followers.. papalista sa
BLOGS NG PINOY! para mas mapansin si blog.
7. Madalas sabihin ng mga bloggista na "hindi impostante kung mabasa man ang post ko ang importante nailabas ko ang mga gusto kong sabihin". pero ang tutuo~ kaya ka nagpost para mabasa ng iba. (tama o mali?)
8. Madalas natin ipromote ang ating blog sa~> facebook, friendster (palubog na friendster!! haha), twitter, plurk.. at kung saan saan pa!
9. Friendly din tayo sa mga ka co-blog natin :) less sungit, less away! :) en less sira sa reputasyon ng blog natin! yan tayo medyo plastic and pachena chena lang sa iba (ou o hindi?) pakisapukan aqh kung mali :(
10. mahilig din natin ilagay yung link ng twitter natin :)
11.Padamihan din ng mga AWARDS^^ kahit minsan yung mga pinagbibigyan natin eh hindi deserves yung award (joke^^ ata hehe)
12. Mahilig tayung mag post ng mga new uploaded pictures natin^^ sing kagandahan ng profile pics. para pag hikayat ng mga readers.
13. Mahirap mag isip ng topic para sa bagong ipopost.. minsan umaabot ng ilang araw, linggo o minsan ilang buan (inaamag na yung last post) bago mag post ng bagong topic.
14. Minsan ang ilan.. supperrr
NOSE BLEED na kaka-ENGLISH!! eh kung hindi ka ba naman engot~ mag post ba naman ng english. Eh talagang mangangamote ka talaga! pero maliban nalang kung talagang best in english ka sa klase (talagang pachilax chilax lang ang mag-post ng english)
ako aaminin ko-------- BOBO si
EDXAII sa english! (kahit i
click mu pa to) secret lang yun ah. huag mung sabihin sakaniya baka sapukin ako! ahaha
15. Karamihan sa mga Pinoy bloggers eh Fan si Manny (Pacquiao o Villar?) haha mali pala. karamihan sa aten eh fan si BO! (si ka-Bob Ong) ou yun.. si ka-bob! yung nag pauso ng magbasa ng baliktad at abnkkbsnplak.. bravo! XD
16. Palaging may picture na kalakip ang mga post naten.. madalang lang ang mga walang picture.
17. Mahilig tayung mag kwento ng mga walang kakwenta kwentang pang araw araw na buhay natin, pero minsan may kwenta naman (eh kung wala lage.. baka hindi na balikan si blog natin).
18. Sa blog natin nailalabas ang tinatagong talent: photography, singing, artistic minded like drawing, pag rereview ng mga movies, television shows, writing: story, poem, scripts.. etc. etc. etc. etc. etc.. maraming etc. etc. etc. haha)
19. Sa blog marami tayong na uutong mga readers! ahahha nagpopost tayo ng mga list ng ka-blog naten (para ipost din nila ang saaten) at ganun din ang iba, kasi tayung mga bloggista mababait tayo at mapagbigay.. mapagmahal pa sa kapwa bloggista (kahit minsan inookray na natin yung blog nila) haha ang sama eh nuh? hmm...
20. Pero meron rin namang talagang tutuo sa aten.. "kaya tayo nag bablog para makilala tayo.." tama? ayyy~ daming kumontra! ou na..
para mailabas ang gusto nating mailabas, para mashare ang mga gusto nating ishare, para ituro ang gusto nating ituro, para ipakilala ang Pilipinas (Filipino), para ipakilala ang produktong natin, para matutu sa iba, para makakilala ng mga bagong kaibigan, para may pamasahe na tayo sa Quiapo! aha
at para ipromote din ang kakikayan natin (yan ang pinoy eh.. PROUD TO BE!! singing-bee..) PARA IPAKILALA ANG TUTUONG IKAW^^----------------------------------------------------------
Oh sya antok nako.. so gagawin ko na ang pang walo sa mga listahan.. ipopromote ko muna ang blog ko sa PLURK^^ ang aking kaligayahan.. hahaha wala lang natutuwa kasi ako eh.
NOTE: COMMENT NAMAN KAYO!! huhhuhuhuhuhu
(begging for freedom! freedom! freedom! freedom! haha)
i mean.. begging for COMMENTS and FOLLOWERS si edxaii ngayun.. di ba kayo naaawa?
haha
pavisit din poh nung isa kong blog^^ paki
CLICKSALAMATS*