Thursday, January 21, 2010

katotohanan sa mundo ng BLOG..



May mga bagay na kadalasang nanyayare sa isang BLOG na minsan hindi natin namamalayang nanyayare pala o kaya naman aware tayo pero ayaw nating aminin sa iba. may mga nilista akong mga bagay na sa palagay ko ay ginagawa ng karamihan (teknik kung baga) para lang maging makulay at mabuhay ang kanilang tahanan~> BLOG (blogger.com man or wordpress pa)

MGA KATOTOHANAN SA MUNDO NG MGA BLOGGISTA^^

1. Pag may blog kana.. syempre hahanap ka ng mga followers.. teknik jan? magvivisit ka ng mga blog na pakalat kalat sa webpage.. o kaya naman pindot si next blog sa dashboard sa taas _ _ _-^

2. Mas maganda kung may maganda kang blog templates.. mas CUTE mas OKAY!.. mas Astig mas ALIVE!! yeah~ mas creative mas KAPANSINPANSIN!! (kahit minsan OA na sa design~)
pero eto ang masaklap.. sa kagustuhang mapaganda ang blog hindi maiwasan ang makalimutang idownload muna ang old template bago palitan ng bago.. ang resulta?~>mga nawawalang widgets :(

3. Pag nagbukas ng blog, unang tinitignan kung may comments ang mga pinost na topic.

4. Pag walang comments.. ang gagawin? magvivisit ng mga blogger friends then mag popost ng shout out sa CBOX.. "blog walking.." "napadaan lang po" "hi nice blog" (khit hindi tutuo) "hi visiting you.. visit back!" (sabay lagay ang link ng blog nila..) "hi.. exchange link?" (kahit hindi naman talaga sinasama sa blog roll nila) "hi how are you?" (kahit wala naman talagang pakelam sa iba)
-- haaay~ ibat ibang diskarte!

5. Pag walang Cbox.. jan papasok ang pag comment comment sa mga post ng ibang blog.. mag cocomment ng "wow nice post blah blah blah" (kahit ang tutuo hindi naman binasa ang pagkahaba habang pinost ng iba)

6. para mas maraming followers.. papalista sa BLOGS NG PINOY! para mas mapansin si blog.

7. Madalas sabihin ng mga bloggista na "hindi impostante kung mabasa man ang post ko ang importante nailabas ko ang mga gusto kong sabihin". pero ang tutuo~ kaya ka nagpost para mabasa ng iba. (tama o mali?)

8. Madalas natin ipromote ang ating blog sa~> facebook, friendster (palubog na friendster!! haha), twitter, plurk.. at kung saan saan pa!

9. Friendly din tayo sa mga ka co-blog natin :) less sungit, less away! :) en less sira sa reputasyon ng blog natin! yan tayo medyo plastic and pachena chena lang sa iba (ou o hindi?) pakisapukan aqh kung mali :(

10. mahilig din natin ilagay yung link ng twitter natin :)

11.Padamihan din ng mga AWARDS^^ kahit minsan yung mga pinagbibigyan natin eh hindi deserves yung award (joke^^ ata hehe)

12. Mahilig tayung mag post ng mga new uploaded pictures natin^^ sing kagandahan ng profile pics. para pag hikayat ng mga readers.

13. Mahirap mag isip ng topic para sa bagong ipopost.. minsan umaabot ng ilang araw, linggo o minsan ilang buan (inaamag na yung last post) bago mag post ng bagong topic.

14. Minsan ang ilan.. supperrr NOSE BLEED na kaka-ENGLISH!! eh kung hindi ka ba naman engot~ mag post ba naman ng english. Eh talagang mangangamote ka talaga! pero maliban nalang kung talagang best in english ka sa klase (talagang pachilax chilax lang ang mag-post ng english)
ako aaminin ko-------- BOBO si EDXAII sa english! (kahit i click mu pa to) secret lang yun ah. huag mung sabihin sakaniya baka sapukin ako! ahaha

15. Karamihan sa mga Pinoy bloggers eh Fan si Manny (Pacquiao o Villar?) haha mali pala. karamihan sa aten eh fan si BO! (si ka-Bob Ong) ou yun.. si ka-bob! yung nag pauso ng magbasa ng baliktad at abnkkbsnplak.. bravo! XD

16. Palaging may picture na kalakip ang mga post naten.. madalang lang ang mga walang picture.

17. Mahilig tayung mag kwento ng mga walang kakwenta kwentang pang araw araw na buhay natin, pero minsan may kwenta naman (eh kung wala lage.. baka hindi na balikan si blog natin).

18. Sa blog natin nailalabas ang tinatagong talent: photography, singing, artistic minded like drawing, pag rereview ng mga movies, television shows, writing: story, poem, scripts.. etc. etc. etc. etc. etc.. maraming etc. etc. etc. haha)

19. Sa blog marami tayong na uutong mga readers! ahahha nagpopost tayo ng mga list ng ka-blog naten (para ipost din nila ang saaten) at ganun din ang iba, kasi tayung mga bloggista mababait tayo at mapagbigay.. mapagmahal pa sa kapwa bloggista (kahit minsan inookray na natin yung blog nila) haha ang sama eh nuh? hmm...

20. Pero meron rin namang talagang tutuo sa aten.. "kaya tayo nag bablog para makilala tayo.." tama? ayyy~ daming kumontra! ou na.. para mailabas ang gusto nating mailabas, para mashare ang mga gusto nating ishare, para ituro ang gusto nating ituro, para ipakilala ang Pilipinas (Filipino), para ipakilala ang produktong natin, para matutu sa iba, para makakilala ng mga bagong kaibigan, para may pamasahe na tayo sa Quiapo! aha at para ipromote din ang kakikayan natin (yan ang pinoy eh.. PROUD TO BE!! singing-bee..) PARA IPAKILALA ANG TUTUONG IKAW^^

----------------------------------------------------------

Oh sya antok nako.. so gagawin ko na ang pang walo sa mga listahan.. ipopromote ko muna ang blog ko sa PLURK^^ ang aking kaligayahan.. hahaha wala lang natutuwa kasi ako eh.

NOTE: COMMENT NAMAN KAYO!! huhhuhuhuhuhu
(begging for freedom! freedom! freedom! freedom! haha)
i mean.. begging for COMMENTS and FOLLOWERS si edxaii ngayun.. di ba kayo naaawa?
haha

pavisit din poh nung isa kong blog^^ paki CLICK
SALAMATS*

28 comments:

Arvin U. de la Peña said...

tumpak..hehe....

Arvin U. de la Peña said...

gusto ko ang number 18..

Arvin U. de la Peña said...

ang blog mong ito ay nasa blog list ko na pala..biyaheng quiapo..

edxaii said...

haha salamat kuya arvin^^ lubos akong natutuwa! at sa sobrang tuwa qh.. bibigyan kita ng POWERR~~~~~ hug!! :P

Unknown said...

haha...korek ka dyan!

edxaii said...

haha salamat ate yuuki^^

Renz said...

mula 1 hanggang 20 tumpak lahat..kakatawa yung iba pero totoo naman :D btw unang salta ko dito sa byaheng quiapo

edxaii said...

wow.. RENZ salamat^^ hehe, akoy nagagalak na ikay napadaan sa aking sasakyan papuntang Quiapo^^ maraming maraming salamat po! hehe

Jessica said...

Nakakatawa to! 100% tumpak lahat ng sinabi mo! Hahaha.

edxaii said...

jessica.. hehe nadiscover mo narin pala tong jeep ko.. hehe enjoy lang sa pag sakay at bababiyahe pa tayu papuntang quiapo^^

Glenn said...

><
:]]
hehe.iakw ung sa number 2.

edxaii said...

@glenn kun- haha ou aqh nga un :) kasi naman.. >.<


@ayuh- haha, aqh ren mahal qh na ang blog kahit medyo baguhan palang tlaga aqh^^

Arvin U. de la Peña said...

i am not fan of manny pacquaio kasi ang mga nakakalaban niya ngayon sa boxing ay tiyak na ang panalo niya kasi nagpapapayat..si oscar dela hoya nagpa baba ng timbang..si ricky hatton ganund din..si miguel cotto ganund din..ikaw ba naman ang magpapayat kung hindi ka manghina..si pacquaio ay lumalakas kasi nagpapabigat at ang kalaban nagpapapayat..si ricky hatton malaki ang katawan nun, pero ng labanan niya si pacquaio ay sobrang payat na..natural na manghina..mga wais talaga..

edxaii said...

Haha ou nga nuh kuya Arvin? may tama ka jan.. nakakaawa ang mga nakakalaban nia. ako ren hindi ako fan ni Manny Pacquiao. Fan ako ni Aling Dionisia este ni Mommy D. na daw.. ayaw na nia ng Aling D. Syempre nga naman mayaman na sya. hmp. medyo mayabang naren. haaay~ tao nga naman.


hmmm.. bkit nga pala nagpapayat yung mga nakakalaban nia? sorry wala po kong alam sa boxing.

Malungkutin said...

apir tayo sa iyong blog. May inspirasyon ulit ako haha

edxaii said...

@makulit- ahaha. geh apir!! :) salamats sa pag sakay^^

Pakoy said...

owshit:) . sapul yata is me. haha. pakitingnan nga. dumudugo yata likuran ko. patambay dito sa blog mo.

edxaii said...

haha cge lang pakoy^^ awshit nga! nkita qh nga dumugugo! hahaaha

jenn said...

may tama ka bhexsie. i mean yung pinost mo. haha! namiss ko tuloy magblog. kya lan la pa akong time at tinatamad pa ako. waaa!!

Anonymous said...

@bhexsie best jenn- hehe o db? :)) mag blog kana kasi bhexsie.. sana ma open mu na yung blog muh.. :( hindi ako nakapagreps kanina kasi wala akong load. sana maintindihan muh^^ hehe. sana magkatime kana! pakilala kita sa ibang bloggista na pakalatkalat sa plurk^^

KESO said...

wahahaha. tama tama. tama lahat. nyahahaha. pero hndi ko naman gawain lahat yan lalo na yung no. 8.


ayos dito. ang cute ng template san mo napulot haha.

jenn.Ü said...

haha. cge cge! wait mo magpopost din ako nyan. yeheii naopen kh na blog kh :)

edxaii said...

Keso- haha ganun ba. :) mukha nga na di mu ginagawa. hehe lam mu kung sinu laging gumagawa nian? si GLENNVONTOOT gawain nia yan sah plurk and sa ym.. pati pala sa facebook and friendster hindi mawawala ung link ng blog niah XD


nakuha ko sa blogger templates^^

Anonymous said...

bhesxie bhest jenn- go bhexsie^^ wait ko post muh. ily & imy. muah muah^^

erwinator said...

sa kabila ko pla napost ung comment.. tsk3.

Anonymous said...

haha natawa naman ako.. kaya pala nag tataka kung anung ibig sabihin mu dun sa "maraming matatamaan jan" hahaha

TechnoKeeper said...

hahaha.,bago lang sa blogging kaya hindi ko pa masyadong nauunawaan, pero maiintindihan ko din yan sa malapit na hinaharap. Very inspiring post (In a way you never think of). Ako dalawa ang blog ko, yung isa, expression ng sarili ko, yung mula sa puso. Etong isa naman, expression ng sarili ko, galing sa utak. hahaha

edxaii said...

Technokeeper- hehe. aus yun ah^^

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

followers^^

Powered By Blogger
 

Biyaheng Quiapo | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates Make Money Online