Isa sa mga pangarap ko sabuhay ang makarating ng Quiapo. Sinu nga bang may ayaw? diba? Ngunit, parang napakahirap para saken ang makarating duon. Anu pa nga bang inaasahan ko? ang iba nga hirap na hirap din makapunta dun, maraming kaylangan daanan, maraming stop over, maraming gustong sumakay. Minsan pa nga, andun na nga sila, bumabalik pa sa pinang galingan. Para bang nagsayang lang sila ng oras, pagod at pamasahe.
Sa ngayun, nagsisimula nakong magbyahe patungong Quiapo. hindi ko pa alam kung paanu ako magsisimula o nasimulan ko na nga ba talaga? Si Anton.. Isa sa mga nagtutulak saken para magpatuloy sa byahe. Buti pa sya may pamasahe nang dala, eh ako? hindi ko pa sigurado kung may dala nga ba talaga kong pamasahe, ning baon nga yata wala eh. Ipinakilala ni Anton kung saan sya nakakuha ng pamasahe-- "Anvil Publishing Inc". Ipinakilala niya rin yung baon nya, trip to quiapo a ni Ricky Lee
Mahirap daw ang magsulat, sabi ni Anton. Ngunit kung kaya mu namang mamuhunan, bakit hindi ko raw subukan? "pero ewan ko.. sana kayanin mo.. kasi mahirap talaga.." sabi ni Anton. Yun na nga ang problema ko, wala na nga kong pamasahe, puhunan pa kaya? o baka meron nga ko, hindi ko lang kayang mag widraw sa bangko dahil masyado pang mababa ang savings ko. At isa pa takot akong maHOLD-UP! baka masayang lang ang puhunan ko. "walang pera sa pag-susulat!" at "kung gusto mung yumaman, huag dito, sa iba nalang.." dagdag pa niya.
Naku! kakatakot naman sumabak sa gera. O san ako magsisimula? sinisimulan ko naman nang basahin ang "trip to Quiapo" parang ang hirap paren. Ay~ tanga! sabi nga pala ni Ka-Ricky hindi ako tuturuan ng librong yon para magsulat. BUHAY ANG GAGAWA.
Ou nga pala! buhay ang gagawa. tama! tama! tama! hahahahahaha natatawa nalang ako sa sarili ko. Anu naman maganda sa buhay ko na pwede kong pag higutan ng himahinasyon?
Gusto ko sanang magsimula sa mahirap, saka ko babagsak sa madali. Pero sabi ni Anton.. "mas maganda kung tagalog.. kasi pag tagalog maraming babasa ng nobel mo, hindi tulad pag english, mga marurunong lang magbasa ng english ang makakintindi. Gusto ko lahat kayang basahin ang gawa ko.. kahit mahirap pa sila.." isa na namang malalim na paninindigan na hinigot pa sa ikaila-ilaliman ng maliit na tao sa loob ni Anton yung narinig ko sakaniya. Ang nasagot ko nalang.. "WOW!" wala akong masabi.
Masaya ko para kay Anton.. May nobela na sya! yes! hinihintay nalang yung part 3 niya, tapos ipupublish na! YAHOO!! :) ako rin sana.. haay~ parang gusto ko na atang huminto sa byahe, papaiwan nalang ata ko dito, dito sa hintayan ng bus. Mag hihintay nalang ata ako ng ibang paroroonan, parang hindi ko ata kayang magbyahe sa Quiapo. Pero may baon naman ata ko eh.
tuloy ko na kaya? haay~ pag iisipan ko pa..
2 comments:
ituloy muna, kaya mo yan!
available ba sa Nat'l bookstore and trip to quiapo?
Post a Comment