KAGANDAHAN!!
Anu nga bang konek ng bubuyog sa likod ng bulaklak na yan sa topic na "KAGANDAHAN?" Naisip mu na ba? kung hindi pa, tara yan ang alamin naten :)
Naaliw ako sa takbo ng Plurk kanina, may bago na naman akong kaibigan. pagkatapos...
BIGLANG~
may nagtext! si TAL (ka-badang ko) sa loob ng inbox ng cellphone ko..
So nagtext nga sya, wala naman akong magagawa kundi gawin ang pinag-uutos niya, este FAVOR pala yun! [hindi halata ah?] haha ayus lang :) english daw eh, panu ba ya? B-O-B-O si edxaii sa english? haay~ tagalog muna^^ bago natin isalin sa english. ayus ba un? hehe
"KAGANDAHAN"
Ang Kagandahan ay maaaring karakter ng tao, bagay, hayop, lugar o anu mang may kinalaman sa kasiyahan ng mata. Anu mang bagay na napapakinang ang ating mga paningin ay maganda (para saken at sa iba). Ngunit anu nga ba ang tunay na kahulugan ng maganda? Maganda pa sa kahulugang literal ang tinutukoy ko. Ang MAGANDA! ou ang MAGANDA ang tinutukoy ko pare.. yung babaeng naka-mini skirt sa tindahan, ang kinis! hindi yun ang tinutukoy ko!
Ang kagandahan ay nasa isip at puso natin, nasa tao ang ganda! tayo ang maganda! ou tayo at wala nang iba! (mag-diwang! ahha)
pag papatutuo..
Ang KAGANDAHAN.. ay naaayon sa kung anu ang tingin natin sa isang bagay. Kung papaano ito nagiging maganda sa mata ko, mata mo, at mata natin. Hindi kaylangan ng kagandahan sa pisikal na anyo, ang kagandahan ay nasa PUSO, at kung papaanu natin to nakikita. Ang Kagandahan ay nasa mata ng may hawak. Tulad ng mga bulaklak na may ibat ibang karakter, ang kagandahan ay ganun din. May mga bulaklak na mabangao at meron ding mabaho. Ngunit diba kahit ganu man ito kabaho ay nangingibabaw pa ren ang kagandahan nito sa panlabas na kaayuan? May mga bagay na maganda lang sa labas pero sa loob may tinatago rin palang kapangitan. Ang kagandahan, tulad ng gumamelang may ibat ibang kulay, may kagandahan na nagmumula sa mga likha ng manglilikha, tulad nalang ng mga pintor. Ibat ibang istilo ang ginagamit, ibat ibang kulay ang ipinagsasamasama upang makabuo ng obra~ maganda, nakakabilib. May mga bulaklak na hindi lang paro paro ang dumadapo, meron ding mga bulaklak na dinadapuan ng langaw. Ou langaw.. na ang ibigsabihin hindi lahat ng maganda ay para lang sa maganda o gwapo. Kung sinu man ang gustong dumapo, maaaring dumapo. Hindi ko alam kung papaanu gumawa ng isang repleksyon ng kagandahan sa bulaklak. Siguro marahil ay nasanay na tayung isinisimbolo ng bulaklak ang kagandahan. Anu nga ba ang isensya ng bulaklak sa atin? Siguro yan lamang ang maisasagot ko ng maayos. Ang isensya ng bulaklak sa atin ay hindi yung kulay, laki, hugis o amoy nito. Ang tunay na isensya nito ay ang kasiyahang idinudulot nito sa tuwing makakakita tayo ng bulaklak at sa tuwing may nag aalay nito sa aten. Maraming isensya ang bulaklak, nag sisilbi rin tong pag damay sa kapwa lalu na kung may patay. Hindi na marahil magkatugma ang sinasabi ko sa topic, pero ito lamang ang alam kong paraan para maipahiwatig ang ibigsabihin ng kagandahan. Ang kagandahan ay kung anung isensya ng isang bagay, bulaklak man o langaw man. Ang kagandahan ay kung papaanu natin tinatanggap ang isang bagay na nagpapasaya sa aten. Kung papaanu natin tinatanggap ang isang bagay na panget, kung papaanu natin nakikita ang isang bagay hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi pati narin sa panloob na kaanyuan.
=====================================
Hindi ako sigurado kung magugustuhan ito ni tal, ngunit isa lang ang sigurado ako.
ang isensya ng BULAKLAK sa KAGANDAHAN^^
note: kung sinu man ang uang magcomment...
MAG PAPASALAMAT AKO NG VONGGANG VONGGA!! :P
2 comments:
woa! di ako nainip sa pagbabasa:) osya. followed you too. keep visiting my site. pati sa blogroll na din para sulit:)
pakoy-- haha salamats^^ kaw din keep on visiting.. weehh^^
Post a Comment