Sunday, January 24, 2010

formspring.me ~> pag baliktanaw sa buhay bata.

If you could go back in time 10 years and tell your younger self something, what would it be?

gusgusing bata na pakalat kalat sa bakanteng lote sa harapan ng bahay namin kasama pa ang ilang mga yagit kong kababata habang naglalako ng bahay bahayan at lutulutuan. Kasama ang asa-asawa namin at anak-anakan namin habang naglilibot sa park sa kabilang kanto ng bahay namin. At marahil siguro ay sa mga oras na ito (10 years before) ay umaakyat nako sa itaas ng bubung (este bahay pala) namin papunta sa palayan ng likod lang ng bahay namin. At marahil ay kumukuha nako ng mais at tubo kasama ang mga kababata ko, at maya maya hahabulin na kame ng may-are ng tubo na may hawak hawak na itak sa kamay niya. Sa kakamadali nakalimutan ko pa ang tsinelas ko. Pag katapos uuwi sa bahay na gusgusin at punong puno ng putik. Lintik! ayan na ang sinturon at kuko ng lolo kong pandak na pilay pilay! patay! papaluin na naman kame niyan. At dahil babae ako, ako ang mas papaluin (kababaing tao ko daw kung san san ako lumulusot! umaakyat!) ng sinturon at kukurutin sa singit hanggang sa mamula ito at mag mukhang napaso sa kamatis. Aray! :( ang sakit nun!

~> i miss my younger years.. haha sana bata parin. Ngayun ko naiisip na mahirap pala pag matanda kana at uugud ugud.. di kana makakaakyat ng bubung.


Ask me anything

3 comments:

PABLONG PABLING said...

nakakatakot sa quiapo

buntis ka po?

/iambrew said...

uu nga, yung tag ng blog parang refers to pagbubuntis... "pag papalawak sa maliit na tao sa loob ko.." hehehe...

erwinator said...

mrami'ng matatamaan dyan. nako po! lol

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails

followers^^

 

Biyaheng Quiapo | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates Make Money Online