Thursday, January 28, 2010

nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?



natag lang po saken tong picture nato sa facebook :P

Anung theme song ng mahihirap? edi si Manny Villar! haha usong uso na tong kantang to. Kahit saan pa man tayu mag punta naririnig natin to. Kahit nga sa loob lang paaralan, madaming estudyanteng bored sa buhay ang kumakanta nito (katuwaan lang ng ilan).

Sa tingin niyo sa sobrang daming patalastas ni Villar eh mananalo sya? karapat dapat nga ba talaga sya sa posisyon? Mahirap mag tiwala, lalo na sa ganyan kalaking posisyon.

Ikaw? nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? nag pasko ka na ba sa gitna ng kalsada? (kame madalas^^ sa gitna ng kalasada ng harapan ng bahay namin XD) yan ang tanung namin.. tunay ka bang isa sa amin? nalaman mo na ba na mapag aaral ka nia? tutulungan tayo para mag katrabaho. at ang kaniyang plano'y mag kabahay tayo. Si villar ang tunay na mahirap (eh anu ngayun?) Si villar ang tunay na may malasakit. haayy~ nakoh.

wala akong mapost. kaya ito nalang ang pinost ko. Isang napakawalang kwenta na naman! haay~

-----------------------------------------------------------

Sa mga nagtatanung kung buntis ako dahil sa tag ng blog qoh "pag papalawak sa maliit na tao sa loob ko"
hindi po ako buntis. Hindi po literal ang meaning niyan. Kayo napong bahalang mag isip kung anu yan. :P

----------------------------------------------

MAY NAGTEXT PALA! haha

mssg:

Badang..favor naman.. pwdng pkihuli
ung mga fish ko sa
fishvl plz?txtbck..

-- badang ROX


natawa naman ako sa text niya. Talaga naman ang FB.. parang globe. palawak ng palawak at parang smart pabilis ng pabilis.. AT syempre parang blog, pa update ng pa-update!

dati rati si Ate Rox wala mang FB, ngayon daig niya pa ko sa fishville (di ko man nga nilalaro yun) hehe grabe~ nitext nya pa talaga ko neh? samantalang smart sya at globe ako. hahaa

Sa mga hindi nakakaalam si ate Rox ay 24 na at dati rati wala syang alam sa fb, ning friendster nga ata nun wala sya. (naimpluwensyahan lang namin sya nila badangs..) ayun mas adik pa samen. haay~ replyan ko na nga kahit sayang ang load^^

---------------------------

GOODNIGHT EVERYONE^^
next time nalang po ako mag rereply sa mga comment nio
maaga pa ang check-up ni bf tom. :) night.night^^

Sunday, January 24, 2010

formspring.me ~> pag baliktanaw sa buhay bata.

If you could go back in time 10 years and tell your younger self something, what would it be?

gusgusing bata na pakalat kalat sa bakanteng lote sa harapan ng bahay namin kasama pa ang ilang mga yagit kong kababata habang naglalako ng bahay bahayan at lutulutuan. Kasama ang asa-asawa namin at anak-anakan namin habang naglilibot sa park sa kabilang kanto ng bahay namin. At marahil siguro ay sa mga oras na ito (10 years before) ay umaakyat nako sa itaas ng bubung (este bahay pala) namin papunta sa palayan ng likod lang ng bahay namin. At marahil ay kumukuha nako ng mais at tubo kasama ang mga kababata ko, at maya maya hahabulin na kame ng may-are ng tubo na may hawak hawak na itak sa kamay niya. Sa kakamadali nakalimutan ko pa ang tsinelas ko. Pag katapos uuwi sa bahay na gusgusin at punong puno ng putik. Lintik! ayan na ang sinturon at kuko ng lolo kong pandak na pilay pilay! patay! papaluin na naman kame niyan. At dahil babae ako, ako ang mas papaluin (kababaing tao ko daw kung san san ako lumulusot! umaakyat!) ng sinturon at kukurutin sa singit hanggang sa mamula ito at mag mukhang napaso sa kamatis. Aray! :( ang sakit nun!

~> i miss my younger years.. haha sana bata parin. Ngayun ko naiisip na mahirap pala pag matanda kana at uugud ugud.. di kana makakaakyat ng bubung.


Ask me anything

Thursday, January 21, 2010

katotohanan sa mundo ng BLOG..



May mga bagay na kadalasang nanyayare sa isang BLOG na minsan hindi natin namamalayang nanyayare pala o kaya naman aware tayo pero ayaw nating aminin sa iba. may mga nilista akong mga bagay na sa palagay ko ay ginagawa ng karamihan (teknik kung baga) para lang maging makulay at mabuhay ang kanilang tahanan~> BLOG (blogger.com man or wordpress pa)

MGA KATOTOHANAN SA MUNDO NG MGA BLOGGISTA^^

1. Pag may blog kana.. syempre hahanap ka ng mga followers.. teknik jan? magvivisit ka ng mga blog na pakalat kalat sa webpage.. o kaya naman pindot si next blog sa dashboard sa taas _ _ _-^

2. Mas maganda kung may maganda kang blog templates.. mas CUTE mas OKAY!.. mas Astig mas ALIVE!! yeah~ mas creative mas KAPANSINPANSIN!! (kahit minsan OA na sa design~)
pero eto ang masaklap.. sa kagustuhang mapaganda ang blog hindi maiwasan ang makalimutang idownload muna ang old template bago palitan ng bago.. ang resulta?~>mga nawawalang widgets :(

3. Pag nagbukas ng blog, unang tinitignan kung may comments ang mga pinost na topic.

4. Pag walang comments.. ang gagawin? magvivisit ng mga blogger friends then mag popost ng shout out sa CBOX.. "blog walking.." "napadaan lang po" "hi nice blog" (khit hindi tutuo) "hi visiting you.. visit back!" (sabay lagay ang link ng blog nila..) "hi.. exchange link?" (kahit hindi naman talaga sinasama sa blog roll nila) "hi how are you?" (kahit wala naman talagang pakelam sa iba)
-- haaay~ ibat ibang diskarte!

5. Pag walang Cbox.. jan papasok ang pag comment comment sa mga post ng ibang blog.. mag cocomment ng "wow nice post blah blah blah" (kahit ang tutuo hindi naman binasa ang pagkahaba habang pinost ng iba)

6. para mas maraming followers.. papalista sa BLOGS NG PINOY! para mas mapansin si blog.

7. Madalas sabihin ng mga bloggista na "hindi impostante kung mabasa man ang post ko ang importante nailabas ko ang mga gusto kong sabihin". pero ang tutuo~ kaya ka nagpost para mabasa ng iba. (tama o mali?)

8. Madalas natin ipromote ang ating blog sa~> facebook, friendster (palubog na friendster!! haha), twitter, plurk.. at kung saan saan pa!

9. Friendly din tayo sa mga ka co-blog natin :) less sungit, less away! :) en less sira sa reputasyon ng blog natin! yan tayo medyo plastic and pachena chena lang sa iba (ou o hindi?) pakisapukan aqh kung mali :(

10. mahilig din natin ilagay yung link ng twitter natin :)

11.Padamihan din ng mga AWARDS^^ kahit minsan yung mga pinagbibigyan natin eh hindi deserves yung award (joke^^ ata hehe)

12. Mahilig tayung mag post ng mga new uploaded pictures natin^^ sing kagandahan ng profile pics. para pag hikayat ng mga readers.

13. Mahirap mag isip ng topic para sa bagong ipopost.. minsan umaabot ng ilang araw, linggo o minsan ilang buan (inaamag na yung last post) bago mag post ng bagong topic.

14. Minsan ang ilan.. supperrr NOSE BLEED na kaka-ENGLISH!! eh kung hindi ka ba naman engot~ mag post ba naman ng english. Eh talagang mangangamote ka talaga! pero maliban nalang kung talagang best in english ka sa klase (talagang pachilax chilax lang ang mag-post ng english)
ako aaminin ko-------- BOBO si EDXAII sa english! (kahit i click mu pa to) secret lang yun ah. huag mung sabihin sakaniya baka sapukin ako! ahaha

15. Karamihan sa mga Pinoy bloggers eh Fan si Manny (Pacquiao o Villar?) haha mali pala. karamihan sa aten eh fan si BO! (si ka-Bob Ong) ou yun.. si ka-bob! yung nag pauso ng magbasa ng baliktad at abnkkbsnplak.. bravo! XD

16. Palaging may picture na kalakip ang mga post naten.. madalang lang ang mga walang picture.

17. Mahilig tayung mag kwento ng mga walang kakwenta kwentang pang araw araw na buhay natin, pero minsan may kwenta naman (eh kung wala lage.. baka hindi na balikan si blog natin).

18. Sa blog natin nailalabas ang tinatagong talent: photography, singing, artistic minded like drawing, pag rereview ng mga movies, television shows, writing: story, poem, scripts.. etc. etc. etc. etc. etc.. maraming etc. etc. etc. haha)

19. Sa blog marami tayong na uutong mga readers! ahahha nagpopost tayo ng mga list ng ka-blog naten (para ipost din nila ang saaten) at ganun din ang iba, kasi tayung mga bloggista mababait tayo at mapagbigay.. mapagmahal pa sa kapwa bloggista (kahit minsan inookray na natin yung blog nila) haha ang sama eh nuh? hmm...

20. Pero meron rin namang talagang tutuo sa aten.. "kaya tayo nag bablog para makilala tayo.." tama? ayyy~ daming kumontra! ou na.. para mailabas ang gusto nating mailabas, para mashare ang mga gusto nating ishare, para ituro ang gusto nating ituro, para ipakilala ang Pilipinas (Filipino), para ipakilala ang produktong natin, para matutu sa iba, para makakilala ng mga bagong kaibigan, para may pamasahe na tayo sa Quiapo! aha at para ipromote din ang kakikayan natin (yan ang pinoy eh.. PROUD TO BE!! singing-bee..) PARA IPAKILALA ANG TUTUONG IKAW^^

----------------------------------------------------------

Oh sya antok nako.. so gagawin ko na ang pang walo sa mga listahan.. ipopromote ko muna ang blog ko sa PLURK^^ ang aking kaligayahan.. hahaha wala lang natutuwa kasi ako eh.

NOTE: COMMENT NAMAN KAYO!! huhhuhuhuhuhu
(begging for freedom! freedom! freedom! freedom! haha)
i mean.. begging for COMMENTS and FOLLOWERS si edxaii ngayun.. di ba kayo naaawa?
haha

pavisit din poh nung isa kong blog^^ paki CLICK
SALAMATS*

Wednesday, January 20, 2010

KAGANDAHAN


KAGANDAHAN!!

Anu nga bang konek ng bubuyog sa likod ng bulaklak na yan sa topic na "KAGANDAHAN?" Naisip mu na ba? kung hindi pa, tara yan ang alamin naten :)

Naaliw ako sa takbo ng Plurk kanina, may bago na naman akong kaibigan. pagkatapos...
BIGLANG~
may nagtext! si TAL (ka-badang ko) sa loob ng inbox ng cellphone ko..



So nagtext nga sya, wala naman akong magagawa kundi gawin ang pinag-uutos niya, este FAVOR pala yun! [hindi halata ah?] haha ayus lang :) english daw eh, panu ba ya? B-O-B-O si edxaii sa english? haay~ tagalog muna^^ bago natin isalin sa english. ayus ba un? hehe

"KAGANDAHAN"

Ang Kagandahan ay maaaring karakter ng tao, bagay, hayop, lugar o anu mang may kinalaman sa kasiyahan ng mata. Anu mang bagay na napapakinang ang ating mga paningin ay maganda (para saken at sa iba). Ngunit anu nga ba ang tunay na kahulugan ng maganda? Maganda pa sa kahulugang literal ang tinutukoy ko. Ang MAGANDA! ou ang MAGANDA ang tinutukoy ko pare.. yung babaeng naka-mini skirt sa tindahan, ang kinis! hindi yun ang tinutukoy ko!
Ang kagandahan ay nasa isip at puso natin, nasa tao ang ganda! tayo ang maganda! ou tayo at wala nang iba! (mag-diwang! ahha)

pag papatutuo..

Ang KAGANDAHAN.. ay naaayon sa kung anu ang tingin natin sa isang bagay. Kung papaano ito nagiging maganda sa mata ko, mata mo, at mata natin. Hindi kaylangan ng kagandahan sa pisikal na anyo, ang kagandahan ay nasa PUSO, at kung papaanu natin to nakikita. Ang Kagandahan ay nasa mata ng may hawak. Tulad ng mga bulaklak na may ibat ibang karakter, ang kagandahan ay ganun din. May mga bulaklak na mabangao at meron ding mabaho. Ngunit diba kahit ganu man ito kabaho ay nangingibabaw pa ren ang kagandahan nito sa panlabas na kaayuan? May mga bagay na maganda lang sa labas pero sa loob may tinatago rin palang kapangitan. Ang kagandahan, tulad ng gumamelang may ibat ibang kulay, may kagandahan na nagmumula sa mga likha ng manglilikha, tulad nalang ng mga pintor. Ibat ibang istilo ang ginagamit, ibat ibang kulay ang ipinagsasamasama upang makabuo ng obra~ maganda, nakakabilib. May mga bulaklak na hindi lang paro paro ang dumadapo, meron ding mga bulaklak na dinadapuan ng langaw. Ou langaw.. na ang ibigsabihin hindi lahat ng maganda ay para lang sa maganda o gwapo. Kung sinu man ang gustong dumapo, maaaring dumapo. Hindi ko alam kung papaanu gumawa ng isang repleksyon ng kagandahan sa bulaklak. Siguro marahil ay nasanay na tayung isinisimbolo ng bulaklak ang kagandahan. Anu nga ba ang isensya ng bulaklak sa atin? Siguro yan lamang ang maisasagot ko ng maayos. Ang isensya ng bulaklak sa atin ay hindi yung kulay, laki, hugis o amoy nito. Ang tunay na isensya nito ay ang kasiyahang idinudulot nito sa tuwing makakakita tayo ng bulaklak at sa tuwing may nag aalay nito sa aten. Maraming isensya ang bulaklak, nag sisilbi rin tong pag damay sa kapwa lalu na kung may patay. Hindi na marahil magkatugma ang sinasabi ko sa topic, pero ito lamang ang alam kong paraan para maipahiwatig ang ibigsabihin ng kagandahan. Ang kagandahan ay kung anung isensya ng isang bagay, bulaklak man o langaw man. Ang kagandahan ay kung papaanu natin tinatanggap ang isang bagay na nagpapasaya sa aten. Kung papaanu natin tinatanggap ang isang bagay na panget, kung papaanu natin nakikita ang isang bagay hindi lamang sa panlabas na kaanyuan kundi pati narin sa panloob na kaanyuan.

=====================================

Hindi ako sigurado kung magugustuhan ito ni tal, ngunit isa lang ang sigurado ako.
ang isensya ng BULAKLAK sa KAGANDAHAN^^


note: kung sinu man ang uang magcomment...
MAG PAPASALAMAT AKO NG VONGGANG VONGGA!! :P


Monday, January 18, 2010

DEXTER


title: "DEXTER"
by: edxaii

Dance with me, lets follow the tune
Everything is fine, you and i will see it soon
Xeranthemum will dry, but our love will never die
The flowers on springs will be our way to run
Every guess will wear their best white dress
Running with a ring on our hand, soon we'll see it dad..

-------------------------------------------------------------

ito yung pinakalast poem na ginawa ko para kay dexter, well akala ko kasi nun sya na eh. haha gaga talaga eh nuh? pero mali! kay Glenn parin siguro talaga ko.. haay~

DEAR MOM (a poem of the unborn child)


title: Dear Mom (a poem of the unborn child)
by: edxaii^^

Dear Mom,

How do you feel right now?

I was there, inside your womb
for about 2 moths and 3 days
its my 3rd month when i'm gone
but its a life-time-sin you done!

I was there, hearing your voice
calling my name, touching my face
i was there, when you let that lady
pushing me out, cutting our lace

I was there, don't you hear me?
saying "mom don't do this to me!"
why don't you let me heal?
why does you did this deal?

My life belongs to you
expecting that i can walk out and play
getting in school and going home
but now you put out my flame

now your tears running in your face
you choose to let me die, now that i'm gone you cry
now i'm here inside this bottle, sorry is all you can say
an unborn child like me, i'm just a victim of this case

but if in case, we meet in heaven
i will tell you the words that you take away in me
mom, "i love you and i miss you.."
you will always be my mom and i am your son forever

even though you don't love me at all..

Love,
Baby Nylde

a story..

title: A STORY
by: edxaii^^

i heard a story about this man
who love that girl with all his heart
he love that girl with all desire
he love that girl in all the time


he used to write a letter for her
to make her know that he care
he used to write a poem for her
to show his love forever


they always in the library
he sang a song silently
telling that he love her passionately
showing he can wait patiently


but the girl has a man
she love that man all the time
she love that man with all desire
and she love that guy with all her heart


the man sang a song for her
she listen but she’s not fair
she love being with him
but she love her man more than him


time passed by
the two of them still at the library
waiting for the time of their class hour
but the man waiting for the heart of her love one


at the middle of the story
the man continue writing a letter
writing a story came from his mind
writing a poem from his hand to her heart


but at the end of the story
the girl continue the reality..
the man has a right but his right is a crime
the man always write but at the end just HE CRIED..


--------------------------------------------------

may nakilala ako sa chatroom last year, nakalimutan ko na yung name niya eh, basta may kinuwento sya about dun sa babaeng gustong gusto niya kaso may boyfriend yung lalake, kaya yun, hindi niya makuha kuha yung girl. At akala niya pa may pag asa kase yung girl narin ang nagsabi na gusto rin sya nito, ngayun pala, pinaasa niya.. (sabi nga ni Glenn sa text: jip kaba? kase pinasakay mu lang ako..) parang ganun ata yung nanyare sakania.. haha yun^^

dont worry tams..

title: dont worry
by: edxaii^^


dont worry i wont blame you
you dont have to worry, its not your fault
you dont need to worry, i’m HAPPY
you dont really need to think of it, i’m OKEY.. [kokey!] haha


today, getting to sensual is normal
you and i felt the same way, right?
in the middle of LOVE theres a LUST
but dont worry, its not the last..


from the moment we feel the fire
inside of it is the real desire
and we cant really hide
our love today is so wild..


so many times we feel it dear
but too many times we keep it clear
for the sake of our secure
and for the love that will endure


-----------------------------------------------------

di ko pa tapos yan.. at wala nakong balak na tapusin pa.. hahaaha tinatamad nako eh^^

my perfect man..


title: my perfect man
by: edxaii^^


you are my pillow that i lay at night
you are my security when i have fear in my life
you are my dreams when i am sleepin’
and you are my reality when i already dreamin..


when i open my eyes, i always see you
when i close it, i still breathin’ on you
sing with you and keep you forever
coz your my hidden treasure ever..


your my perfect man
your lips so soft and silk
when i kiss you i melt
our bodies interwine, every inch of you is FELT..


your my perfect man
your my best friend, perfect fit for a husbond
you’re the flatter that i feel in my heart
you’re the one that i think when were far apart..


and you are my one and only zealous
destiny that i ever had
and it will last in all the time..

ON YOU


title: “ON YOU”
by: edxaii


at first it just a little deal
a deal that turns into real
when you and i first met
there's little spark i felt


wearing a simple shirt and pants
wearing a simple eye glass in black
saying a simple words on me
saying a simple promise that can be


when your lips touched mine
there's something inside of it
when your smile smiles at me
there's something great i feel

i heard I LOVE YOU
then you received I LOVE YOU TOO
if i say i love you, I’ll do
even there's someone who really love me too


i've never thought that I'll fall for you
and i cant fight myself too
it is LOVE? or LUST?
whatever it is, hope it will last


coz there's only one thing I’ll do
its a three words only for you
I LOVE YOU and i really do
pls believe me coz my hearts now beats ON YOU


--------------------------------------------------------------------

ginawa ko nun para kay Dexter, ex ko. :)
hmm.. yung drawing sa taas, ako rin nag drawing nun. panget nuh?
hahaha.. halos lahat ng nagiging boyfriend ko nadrawing ko na si Glenn nalang ang hindi. bakit kaya? haaay~ ang hirap kasi eh. weehh^^

untitled..


UNTITLED
– Lezt


you mean everything to me
still you managed to leave.
didn’t you hear me when i pleaded stay?
or was it the rain which poured hard that day?

why does it have to be like this?
pain reasons my lonesome blizz
this yearning get stronger
every seconds seems to be longer

you always say words aren’t important
are this tears not significant?
can you please atleast be near?
its hard to breathe with all of this fear

now your so far away
am i that late this day?
spare me this last dances
pare my life this last chance

i rather choose to die
than to resume a life of lie
i rather dream my nightmare for eternity
than to live without you in serenity

if you can write, i can write too

title: if you can write, i can write too..
by: edxaii


tonight i’m alone
tonight i’m thinking of you
how you feel tonight?
when i say goodbye..

tonight i feel so sorry
but sometimes, its you honey
yeah, the night is starry
and my hearts feel sorry..

you.. you are the one who i really love
but i really wanna end it up
i have you but you dont have me
your love kills me, so i just wanna be free..

you think that you dont have me
well, ifeel that too honey
tonight i can write what you can write
you have lost me, and i lost you too tonight..

you said “you no longer love me”
how did you love me before? maybe until now-
you feel the same i know
coz’ forgeting is not easy, i know..

so dont say you dont love me anymore
still, you love me like you did before..

i know the truth, now you feel blue
when i’m not with you
thats what i feel too..

maybe the love is so easy to feel
but hard to find the real
easy to get, but hard to forget
it is the reality, and thats what we get..

we both know, our love will not keep each other
our love start, but its not forever
the endless will end
and the love surely gone, FOREVER..

now i’m not with you
and you’re not with me
this be the last pain that i make you feel
and this be the last verses that i let you read..

--------------------------------------------------------------

– haha. yan ang reply ko sa poem ni PABLO NERUDA
na “tonight i can write the saddest lines”.

eto yun.

Tonight I can write the saddest lines



Tonight I can write the saddest lines.
Write, for example,’The night is shatteredand the blue stars shiver in the distance.’
The night wind revolves in the sky and sings.
Tonight I can write the saddest lines.I loved her, and sometimes she loved me too.
Through nights like this one I held her in my armsI kissed her again and again under the endless sky.
She loved me sometimes, and I loved her too.How could one not have loved her great still eyes.
Tonight I can write the saddest lines.To think that I do not have her. To feel that I have lost her.
To hear the immense night, still more immense without her.And the verse falls to the soul like dew to the pasture.
What does it matter that my love could not keep her.The night is shattered and she is not with me.
This is all. In the distance someone is singing. In the distance.My soul is not satisfied that it has lost her.
My sight searches for her as though to go to her.My heart looks for her, and she is not with me.
The same night whitening the same trees.We, of that time, are no longer the same.
I no longer love her, that’s certain, but how I loved her.My voice tried to find the wind to touch her hearing.
Another’s. She will be another’s. Like my kisses before.Her voide. Her bright body. Her inifinite eyes.
I no longer love her, that’s certain, but maybe I love her.Love is so short, forgetting is so long.
Because through nights like this one I held her in my armsmy sould is not satisfied that it has lost her.
Though this be the last pain that she makes me sufferand these the last verses that I write for her.

-------------------------------------------------------------

ang panget lang ng reply ko nu?
la kwenta. ahe. ang lakas pamo ng loob kong maki level kay
pablo neruda. haha. okya kay ELISABETH BARRETH BROWNING na asawa ni
ROBERT BROWNING nalang kaya? makiki level na rin ako sa
“how do i love thee?” nia. yung saken naman nun ”how do you love thy?”
haha. joke lang.

always love you


title: ALWAYS LOVE YOU
by: edsaii

late at night but i’m still awake,
after my tears down like a lake,
i cried because of you,
coz’ with you sometimes feelin’ blue..

after so many days that we wont talk,
after so many times that with you i dont walk,
after so many tear drops that fall,
finally i’m ready to tell you all and all..

i said ” i dont love you anymore “,
coz with you i always feel blue,
coz with you i cant fine the right clue,
coz with you i always feel like a fool..

i said ” i dont wanna try again “,
coz i cant find myself on your hand again,
but if you only just listen to what i said,
you’ll notice the real things behind itself..

remember all i said,
” i dont wanna love you anymore “
but the truth inside itsaid,
” i always love you more”
even you will break my heart once more..

Sunday, January 17, 2010

nagtext si teacher..

Goodmorning! bungad ni tita Lhou saken kanina. "oh wala kang pasok?" tanung niya, "hmm..mamaya pang 12.." so nahiya ulit ako.
Then kinuha ko yung Cellphone, tinignan ko kung nag text si Glenn **n. Kaso walang message galeng sakaniya.

May no. na hindi nakasave sa phonebook ko ang nagtext. eto ang text niya..

"Dear Student, I see that you're tired. I tell you, drop your book and rest for a while. Why woryy too much about the fight? Smile. Be Confident. All you hve to do is to prepare well and be in school. Then, against the hundred questions that tried to destroy you, there i'll stand and rescue you. Passing the course requires not only me nor only you. but rather, ME and YOU. Just do your best and i'll take care of the rest.

Your Teacher,
Jesus Christ

Nung natapos ko nang basahin yung message, napaisip ako. Ou nga nu, parang nakakatamad mag-aral, nakakatamad pumasok, nakakatamad mag-review, nakakatamad mag-report. Bakit pa nga ba naten kaylangan mag-aral? pwede naman mag asawa kagad. haay~ pero male! suppeerr male! dapat mag-aral! kawawa naman si mama na nagpapagod magtrabaho para lang makapag-aral ako. At para rin naman saken yun, pag nakapag tapos nako, makakakuha ako ng magandang trabaho na hiyang sa talento ko. kawawa naman si mama kung bibiguhin ko..

Lam ko di related yung picture ko sa topic, pero isa lang kasing naaalala ko pag nakakabasa ako ng "DONT PICK FLOWERS!" yung teacher ko nung prep pa ko. Until now, sya paren favorite teacher ko. Super bait kasi niya eh! :P

Wednesday, January 13, 2010

huag mag paiwan.. 'may baon ka naman dala'


Isa sa mga pangarap ko sabuhay ang makarating ng Quiapo. Sinu nga bang may ayaw? diba? Ngunit, parang napakahirap para saken ang makarating duon. Anu pa nga bang inaasahan ko? ang iba nga hirap na hirap din makapunta dun, maraming kaylangan daanan, maraming stop over, maraming gustong sumakay. Minsan pa nga, andun na nga sila, bumabalik pa sa pinang galingan. Para bang nagsayang lang sila ng oras, pagod at pamasahe.

Sa ngayun, nagsisimula nakong magbyahe patungong Quiapo. hindi ko pa alam kung paanu ako magsisimula o nasimulan ko na nga ba talaga? Si Anton.. Isa sa mga nagtutulak saken para magpatuloy sa byahe. Buti pa sya may pamasahe nang dala, eh ako? hindi ko pa sigurado kung may dala nga ba talaga kong pamasahe, ning baon nga yata wala eh. Ipinakilala ni Anton kung saan sya nakakuha ng pamasahe-- "Anvil Publishing Inc". Ipinakilala niya rin yung baon nya, trip to quiapo a ni Ricky Lee

Mahirap daw ang magsulat, sabi ni Anton. Ngunit kung kaya mu namang mamuhunan, bakit hindi ko raw subukan? "pero ewan ko.. sana kayanin mo.. kasi mahirap talaga.." sabi ni Anton. Yun na nga ang problema ko, wala na nga kong pamasahe, puhunan pa kaya? o baka meron nga ko, hindi ko lang kayang mag widraw sa bangko dahil masyado pang mababa ang savings ko. At isa pa takot akong maHOLD-UP! baka masayang lang ang puhunan ko. "walang pera sa pag-susulat!" at "kung gusto mung yumaman, huag dito, sa iba nalang.." dagdag pa niya.

Naku! kakatakot naman sumabak sa gera. O san ako magsisimula? sinisimulan ko naman nang basahin ang "trip to Quiapo" parang ang hirap paren. Ay~ tanga! sabi nga pala ni Ka-Ricky hindi ako tuturuan ng librong yon para magsulat. BUHAY ANG GAGAWA.
Ou nga pala! buhay ang gagawa. tama! tama! tama! hahahahahaha natatawa nalang ako sa sarili ko. Anu naman maganda sa buhay ko na pwede kong pag higutan ng himahinasyon?

Gusto ko sanang magsimula sa mahirap, saka ko babagsak sa madali. Pero sabi ni Anton.. "mas maganda kung tagalog.. kasi pag tagalog maraming babasa ng nobel mo, hindi tulad pag english, mga marurunong lang magbasa ng english ang makakintindi. Gusto ko lahat kayang basahin ang gawa ko.. kahit mahirap pa sila.." isa na namang malalim na paninindigan na hinigot pa sa ikaila-ilaliman ng maliit na tao sa loob ni Anton yung narinig ko sakaniya. Ang nasagot ko nalang.. "WOW!" wala akong masabi.

Masaya ko para kay Anton.. May nobela na sya! yes! hinihintay nalang yung part 3 niya, tapos ipupublish na! YAHOO!! :) ako rin sana.. haay~ parang gusto ko na atang huminto sa byahe, papaiwan nalang ata ko dito, dito sa hintayan ng bus. Mag hihintay nalang ata ako ng ibang paroroonan, parang hindi ko ata kayang magbyahe sa Quiapo. Pero may baon naman ata ko eh.
tuloy ko na kaya? haay~ pag iisipan ko pa..

ang pag tanda..

Habang pauwi ako galing school kanina, nakita ko na naman yung matandang babae na nakaupo sa gilid ng malaking bahay. Naghihintay ng limos sa bawat taong dumadaan. Sa araw araw na ginawa ng dyos di mo na mabilang ang taong dumadaan duon. Pero napakadaling bilangin ng mga pisong dumadampi sa basong hawak hawak ng matandang babae. Nakakalungkot isipin na sa dami raming taong nakakakita sa kanya iilan lamang ang talagang nakakapansin sakanya.

Sa may tulay, sa gilid ng eskwelahan, at kahit sa gitna pa ng daan. Iba't ibang matatanda ang nakikita ko. Napakabagal ng ikot ng buhay nila. Napakabagal kumpara saten. Napakabagal na nga, binibilang pa nila ang mga natitirang araw nila dito sa mundo. Nakakaiyak isipin nu? mabubuhay ka pero mamamatay din. Mula sa unang araw mo sa mundo hanggang sa pagtanda't kamatayan mu. May ilan pa nga hindi na umaabo't sa pagtanda, namamatay na sa sakit o kaya naman sa aksidente.
Pero kung tutuusin mas maswerte pa nga sila eh, sila nakakapag pahinga na pero ang ilang matatandang may buhay pa kinakapos na ng hininga. Kinakapos na nga ng hininga, kinakapos pa ng suporta sa mga taong dapat eh nag aalaga sakanila.

Mula pa nung bata ko, takot na kong tumanda. Ilang taon na nga ba ko ngayon? 17 years old na kong nabubuhay sa mundo. Hanggang kaylan kaya ko mananatili dito? hanggang kaylan kaya ko uupo't mananahimik lang sa tabi? hanggang kaylan kaya ko magpapakain sa sistema ng buhay natin? hanggang kaylan kaya ko magbubulag bulagan sa kung anung dapat kong gawin? hanggang kaylan? yan lang naman ang tanong ko eh. Kasi hanggang ngayun hindi ko alam kung panu ko ba sisimulan.

Nakakatakot tumanda, tutuo yun. Kay sarap naman kasing umupo sa pag kabata, halos ayaw mu nang tumayo para harapin ang pagtanda. Walang problema, laro lang ang nasa isip. Pero pag tumatanda kana, parami na ng parami ang mga problema. Halos wala nang katapusan, Diba?

Kadalasan ang mga bata nagmamadaling tumanda, nagmamadali sa buhay kala mu naman mauubusan. Pero pag andun na sila, gustong gustong bumalik sa pag kabata. Lahat naman tayo gustong bumalik dun. Kung pwede nga lang manatili dun, mananatili tayo eh. Kaso iba sa tutuong buhay. Mabilis ang paglakad, oo minsan matatrapik ka pero darating at darating ka ren dun.

Para saken, ang pag tanda ang pinaka worst na parte ng buhay natin. Pag matanda kana parang wala ka nang silbi sa mata ng iba. Minsan ultimo pamilya mo mismo. Palamunin, alagain at sakitin pa. Yan ang kadalasang tingin ng mga mas bata sayo. Ang sakit isiping andun ka sa sitwasyon na yun kung saan ang pamilya mo mismo tinataboy kana.

Ang mga anak mong pinagtyagaan mong palakihin ng maayos. Mga pag hihirap mo para lamang mapag-tapos sila ng pag-aral. Mga damit, pagkain, bahay para sakanila. Pag nakapag tapos na sila't nag katrabaho, ang mga anak mong pinalaki mo magsisimula nang magtuturuan kung sino bang dapat mag alaga sayo. Kung saan kaylangan mo nang mag pahinga, may inaalagaan ka pa rin mga apo mo mula sa mga anak mong inalagaan mo na nung una palang. Parang walang pahinga ang responsibilidad mo sakanila. Panu naman ang responsibilidad nila sayo? Anu yun? nakalimut na sila? o nakain narin ng sistema ng buhay na ginagalawan natin?

Mga matatandang pinabayaan na ng pamilya. Mga matatandang kinalimutan na ng sistema. Mga matatandang para sa ilan wala nang silbe sa buhay at kaylangan nang mag paalam. Nakakaawa, nakakaiyak, nakakainis, nakakakonsensya. Ang mga apong dagdag pa sa kunsomisyon nila. Mga anak, apo, kamag anak na hindi marunong gumalang. Ang iba nananalangin pang mawala na sila.

Nung minsan, nag patahi kame ng uniform ni tal. Matandang uugod ugod na't may salamin ang nanahi ng uniform namin. Nakakalungkot na nakakagaan ng loob. Nakakalungkot kase sa tanda nilang yon sila parin bumubuhay sa mga anak at apo nila. Nasaksihan pa namin ang pag abo't niya ng pera sa apo nyang malapit na ang kaarawan. Naalala ko tuloy ang lola ko sa father side, sa tuwing kaarawan ko may isang daan pa kong natatanggap sa kaniya, na imbes na pambili nya nalang ng gamot, ibibigay niya pa saken. Naalala ko rin si "mommy", lola ko sa mother side. Ou sugarol sya pero ramdam mo parin ang pag alaga niya, simula pagkabata sya nang kasama ko, sya nang nag alaga saken at mag pahanggang ngayon sya paren ang nag aalaga sa ilan ko pang pinsan. kaarawan nga ng lolo ko kahapon. Kita ko sa mga mata nya yung lungkot at saya na nararamdaman nya. Masaya kase dumating kame ng mga apo nya at naalala pa ang kaarawan nya. Malungkot kase hindi sya sigurado kung sa susunod na taon may kaarawan pang maipagdiriwang.

Nakakatakot ang tumanda. 17 na ko, mag e-18, mag na-19, tapos 20 na. 30, 40 at hindi pa sigurado kung aabot pa ng 50. Nakakatakot ang tumanda. Sana bumagal pa ang buhay, kung saan konti pa ang problemang dumadaan. Sana sa mga bawat araw na dumarating saten ay sya ring araw na dumaragdag sa buhay nila.

Sana ang ilan na hindi marunong magpahala sa mga matatanda maisip nilang dapat parin silang pag halagaan. Dahil maikli lang ang buhay, sana matutu tayong mag pahalaga dito. Don't waste your time sa kung ano anung bagay na istorbo sa buhay natin. Sana sa pag tanda natin may mga tao paring makaalala saten. Sana may maabot tayo bago pa tayo kapusin ng hininga. Parang napakawalang kwenta ng sinulat ko para sa ilan. Siguro masasabi nyo sa sarili nyong nag sayang lang kayo ng oras sa pag basa nito. Pero sana sa pag tanda nyo... kahit wala nang ngipin.. may ngiti pa rin.. :)




-- anu daw?

lagi nalang,,


title: LAGI NALANG
by: edxaii^^


nag-iisa na naman ako
at ikaw ang nasa isip ko
lagi nalang nasa puso
anong meron? at ikaw ang laman nito?


minsan hindi maintindihan
tila nasasabik sayong pag hagkan
ang halik ng mata mo’y hinahanap
ang pag tingin na tila nasa ulap


sa tuwing ikay wala
minsan lagi nalang tulala
kakaisip kung anu nga bang magagawa
upang ang puso ko sayo’y mawala


lagi nalang, lagi nalang
sa gabi’y ika’y hinahanap
sa umaga’y heto na naman
humihirit sa isip, patungo saking panaginip


ginawa ko nang lahat
upang sa puso ko’y lumayas
ngunit ilang beses ko pang gawin
ika’y mananatiling mamahalin..


– the end –

– haha. blablabla!

ang panget! ahe.tsk.tsk!
nung 2007 q pa gnwa yan.

since, bagong blog to.. kinapy qh nalang to dun sa old post qh sa heart of mind

sa JEEP.. anung kwento mo?


Ang jeep ay isa sa pangunahing transportasyon sa pilipinas. Pinamana pa satin to ng mga amerikano nung patapos na ang world war II. Ang salitang jeepney ay mula pa sa salitang "jeep" and "jitney" or "jeep" and "knee" na ang ibig sabihin ay face-to-face seating. Lam nyu ba yun? hindi siguro nu? kasi sakay lang tayu ng sakay, kung minsan wala naman talaga tayung pakelam sa pinagmulan ng mga bagay bagay sa mundo eh.

Kasama na sa pang araw araw na buhay natin ang pag sakay sa jeep. Naghihintay, nag aabang, pumipila, at kung minsan pa nga'y nag hahabul para lamang makasakay. Iba't ibang tao ang nakakasalamuha mo sa loob ng jeepney, nakakatabi, nakikilala at kung minsan pa nga'y nag kakainlaban. Iba't ibang uri ng tao ang nakakasakay natin, may estudyante, empleyado, simpleng tao, may maarte, may pawisan, may nagtitinda sa palengke daladala ang kanyang paninda, may gulay, tilapya at palaka.

Pati nga rin nag titinda ng taho nakakasakay rin natin. Siksikan sa loob at sa sobrang init pinagpapawisan na kahit ganu pa kaganda pumapanget. Nakakainis minsan ang mga driver na naghihintay pa ng pasahero, late ka na nga sa school lalo ka pang nalelate, na kung tutuusin naman eh talagang kasalanan nating mga estudyanteng nagpuyat sa gabi at nahuli sa pag gising.

Ganun pa man, ang pag sakay sa jeep ang pinakapaborito kong routine sa buhay. Maliban sa minsa'y nakakasakay ko yung crush ko. Marami rin akong nakakasalamuhang tao, minsa'y nakakainis (sa sobrang arte mukha namang kamote). Minsa'y nakakatawa.. si ate na kumakain ng mais sa ngipin sumasabit, si kuya na pag kapogi pogi eh baklush pala, si bunso na iyak ng iyak ang sipon ginawa nang bubble gum, si Manong na natutulog kay manang na nakapatong. Maraming nakakatawang panyayari, minsan si lola mura ng mura wala naman kaaway. Mga matatandang kwentuhan ng kwentuhan bandang huli di naman pala magkakilala. Si manong driver mura rin ng mura lalo na kapag traffic na. Nakakainis minsan pero ayos lang nasanay naren.

Kahit ako man marami ring nakakatawang kwento sa jeep. Minsan jeep ang ginagawa kong library, kahit nakakahilo, kahit medyo malabo na mata ko, pipilitin at pipilin ko paring matapos ang binabasa ko. Ang hirap pa kapag nakakatawa yung binabasa ko kay hirap pigilan yung tawa. Madalas pa ko makatulog sa jeep nun, nakanganga at pagod na pagod. Madalas pa kong mapasobra ng bababaan. Lagi nalang lumalampas. Nakakainis na nakakatawa diba?

Pero ang talagang gusto ko kapag nakasakay ako sa jeepney. Iba't iba pumapasok sa utak ko. Ang dami kong naiisip, tungkol sa buhay ko. Sa mga panyayari, kwento at mga bagay bagay na gumugulo sa isip ko. Sa jeep ko madalas maisip mga taong mahalaga saken, mga taong gusto kong makasama, mga taong gusto kong makita. Sa jeep din, madalas naiisip ko kung anu ba talagang gusto kong gawin sa buhay ko. Madalas kong maisip yung mga gagawin ko pag uwi. Lahat pinaplano ko kapag asa jeep ako. Mga damit na gagamitin ko, assignment, pagsulat ng kung anu anu.. lahat pinaplano ko sa jeep. Pero pag uwi ko naman, lahat ng naiisip ko habang nakasakay ako.. hindi ko na magawa, hindi ko na maisip, hindi ko na maplano..

Siguro kase malawak ang pag iisip ko kapag nakasakay ako sa jeep. Habang pinagmamasdan ang mga bahay na nadadaanan, mga taong lumalakad at mga uri ng pamumuhay na madalas kong masaksihan. Sa jeep ko nasasaksihan ang takbo ng buhay sa pilipinas. Tahimik na mabagal, magulo na mabilis, simple pero komplikado.. Ang buhay ng tao parang pagsakay lang sa jeep yan, sasakay ka sa agos ng pamumuhay, minsan kaylangan mu ring huminto para makahanap ng bagong pasahero sa buhay mu, minsan kaylangan mu ring mag baba para maintindihan ang bawa't halaga ng bagay na napapasayo, pero hihinto ka ulit para magpasakay ng bago. At sa huli kaylangan mu naring bumaba.. para magsimula ulit sa una.

Ganyan ang buhay diba? sakay, hinto, baba at pagkatapos sasakay ulit, hihinto at bababa. Pero tandaan mu hindi sa lahat ng oras may pamasahe kang dala. Minsan kaylangan mu ring lumakad para maranasan ang hirap ng buhay pero diba't kahit lumakad ka man o sumakay ka man.. darating at darating ka rin sa iyong pupuntahan.

Ganyan ang buhay naten. Tama ko diba?
Related Posts with Thumbnails

followers^^

 

Biyaheng Quiapo | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates Make Money Online